^

Police Metro

Ayaw magpahuli ng buhay tumalon sa gusali, patay

Joy Cantos - Pang-masa
Ayaw magpahuli ng buhay tumalon sa gusali, patay
Ang isang nasawi ay nakilala sa alyas Albert, habang nasa kritikal na kalagayan ang isa pang suspek na si alyas Dudoy.
File

MANILA, Philippines — Kamatayan ang na­ging resulta nang pagtakas ng isang lalaki habang kritikal ang 1 kasama matapos tumalon sila mula sa ikaapat na palapag ng gusali upang hindi maaresto ng mga pulis na nagsagawa ng drug operation, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang isang nasawi ay nakilala sa alyas Albert, habang nasa kritikal na kalagayan ang isa pang suspek na si alyas Dudoy.

Habang naaresto ang tatlo pang kasama nito na sina Jennifer Dizon, 29, ng Bldg. A Room 411 Camres 1, Brgy. 175; Michael Mene­ses, 38, tricycle driver, may-asawa, ng Bldg. A Room 407,Camres 1, at isang 15-anyos na lalaki na itinago sa alyas na “Voltaire”. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi nang sila ay makatanggap ng sumbong ukol sa mga kahina-hinalang tao sa loob ng Room 407, Bldg. A ng NHA Camres 1, Brgy. 175.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Station Investigation Branch ng Caloocan Police North Station at naaktuhan ang nagaganap na pot session sa loob ng kuwarto ni Me­neses.

Dito ay tumalon mula sa ikaapat na palapag ng bintana sina alyas Albert at alyas Dudoy na nagresulta sa malubhang pinsala sa kanilang katawan kaya isinugod sila sa nabanggit na pagamutan ngunit idineklarang wala nang buhay si alyas “Albert”.

Limang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalias ang narekober sa lugar.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with