^

Police Metro

2 senador nag-aalala sa mga magpapanggap na trans woman

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpahayag nang pag-aalala sina Senators Cynthia Villar at Ronald dela Rosa sa posibilidad na samantalahin ng ilang magpapanggap lamang na transwoman ang paggamit ng banyo na inilaan para sa mga kababaihan.

Ayon kay Villar, okay lamang gumamit ng toilets ng mga babae ang mga totoong miyembro ng LGBT, pero delikado kung hindi naman sila totoong trans woman.

Sinabi naman ni Dela Rosa, maaring maabuso at magamit ng mga “manyak” na lalaki ang paggamit ng mga CR na inilaan para sa mga babae.

“Pagpasok niya sa CR magbabakla-bakla siya. Magsusuot siya ng babae, ayon bakla. Papasok doon sa loob ng CR ng babae tapos gagawa ng kalokohan,” sabi ni Dela Rosa.

Mungkahi ni Villar na dapat ay gumawa na lamang ng karagdagang toilet para sa mga LGBT o kaya ay ipagamit muna ang nakalaan para sa mga persons with disabilities (PWD).

Ipinunto ni Villar na may mga pagkakataon na may kuwestiyon pa rin kung totong babae ang gustong gumamit ng CR ng mga babae.

Idinagdag ni Villar na hangga’t wala pa aniyang “gender-sensitive” CR ay ipagamit na muna ang CR ng mga PWDs.

vuukle comment

CYNTHIA VILLAR

LGBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with