^

Police Metro

DFA magsasampa ng diplomatic protest sa China

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang mag­sampa ng “diplomatic protest” ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa presensya ng mga Chinese survey at war vessels sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin nang magkomento siya sa social media site na Twitter sa isang balita ukol sa protesta ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa presensya ng mga barko sa karagatan ng Pilipinas.

Unang sinabi ni Lo­renzana na apat na warships ng China ang nakitang naglalayag sa may Sibutu Strait sa may Tawi-Tawi mula pa noong Peb­rero na hindi ipinaaalam sa pamahalaan ng Pilipinas.

Tila umano umiiwas ang mga barko na ma-detect sila nang patayin ang kanilang ‘automatic identification systems’ (AISs) na inire-require ng International Maritime Organization.

Apat pang barko ng Chinese Navy ang nag­layag sa karagatan malapit sa Palawan noong Hunyo na hindi pinansin ang babala ng military ng Pilipinas.

Una nang nagsampa ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China nitong nakaraang linggo dahil sa pagdagsa ng daan-daang sasakyang pandagat sa Pag-asa Island na inookupahan ng mga Pilipino.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with