^

Police Metro

2 holdaper todas sa shootout

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang Global Positio­ning System (GPS) ng isang ninakaw na cellphone ang naging susi para matunton at maabutan ng tumutugis na mga pulis ang dalawang hol­daper na napatay nang ito ay nanlaban kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Inilarawan ng mga pulis ang dalawang napatay na suspek na ang isa ay nasa pagitan ng 30-35 anyos, 5’2” ang taas, katamtaman ang panga­ngatawan, nakasuot ng kulay itim na hooded jacket, kulay abong short, sputnik tattoo habang ang ikalawa ay nasa 20-25 taong gulang, 5’3” ang taas, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay asul na UCSF t-shirt at kulay itim na sweat shirt na may tattoo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-11:00 ng gabi sa isang bakanteng lote sa Saint Andrew St., pa­nulukan ng Jude Mariz Subdivision, Brgy. San Bartolome, Novaliches ng lungsod ay nagreport ang mga biktimang sina Dulce Austria at Ralph Felix Dennis Ballesteros na hinoldap sila ng tatlong lalaki na armado na magkakaangkas sa motorsiklo.

Kinuha ang kanilang mga personal na kagamitan at tinangay pa ang kanilang Suzuki Raider 150 sa kahabaan ng P. dela Cruz Street, Brgy. San Bartolome, Novaliches dakong alas-10:30 ng gabi.

Sa matinding takot para sa kanilang buhay ay ibinigay ni Austria ang kaniyang cellphone sa mga holdaper na lingid sa kaalaman ay mayroong GPS.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad at sa tulong ng GPS ay natunton ang mga tumakas na suspect sa Brgy. San Bartolome habang sakay ng motorsiklo.

Nang sitahin ng mga pulis ay nagbunot ang mga suspek ng baril na nauwi sa palitan ng putok na ikinasawi ng dalawa habang nakatakas ang isa nilang kasama.

Positibong kinilala ng mga biktima ang bangkay ng mga suspek na siyang nangholdap sa kanila at narekober ang isang cal. 38 revolver na may lamang mga bala, isang cal 38 snub nose, Smith and Wesson at ilang sachet ng shabu. Nabawi rin ang Oppo A37 cellphone at Suzuki Raider 150 motorcycle na pag-aari ng mga biktima.

vuukle comment

HOLDAPER

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with