^

Police Metro

3 mag-utol dedbol sa septic tank

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong magkakapatid makaraang ma-suffocate sa loob ng septic tank ng isang eskuwelahan sa Cuartero, Capiz, kamakalawa.

Ang mga nasawing magkakapatid ay kinila­lang sina Jerson, 25; Jun, 19 at Wilbert Vargas, 15, pawang nagtratrabaho sa SDB  Construction at residente ng Brgy. Mahanlod, Sapian, Capiz.

Sa ulat ng tanggapan ni Police Regional Office (PRO) 6 Director Police Brig. Gen. Rene Pamuspusan, nangyari ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga sa Maindang National High School na kung saan namamasukan ang magkakapatid para magtayo ng karagdagang gusali para sa K-12 ng nasabing eskuwelahan.

Isa sa magkakapatid ay pumasok sa underground ng septic tank upang linisin ito.

Gayunman, ilang oras na ang nakakalipas ay hindi pa umaahon  ang biktima kaya napilitan ang dalawang kapatid nito na sundan ito pero maging sila ay hindi rin nakaahon kaagad.

Tinangkang sundan ng ikaapat na obrero  na si Rolly Bellosillo, ang tatlong magkakapatid pero  hindi ito tumuloy sanhi ng sobrang baho at hirap itong huminga.

Rumesponde ang Capiz Emergency ­Response (CERT)  at Capiz Provincial Disaster  Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na nagsagawa ng search and retrieval operation hanggang sa maiahon ang bangkay ng magkakapatid na Vargas.

Pinag-aaralan na ng pulisya ang posibleng pananagutan ng construction firm sa sinapit na kamatayan ng magkakapatid na kanilang mga trabahador.

vuukle comment

SEPTIC TANK

SUFFOCATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with