^

Police Metro

Bading na nagsaboy ng asido sa karibal na babae, nadakip

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 30-anyos na bading na umano ay nagsaboy ng asido sa mata ng babae na kanyang karibal sa Pasay City ang naaresto ng mga otoridad sa pursuit operation sa Brgy. Sto. Cristo, Tabaco City, Albay, kahapon.

Ang suspek ay kinilalang si Ramon Montallana Collada, residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-12:15 ng tanghali nang sa­lakayin ng mga pulis ang suspek sa kanyang bahay makaraan ang ilang araw na pagtatago.

Si Collada, ang itinuturo ng isang babaeng nabulag dahil sa pagsaboy ng asido sa kanyang mata sa Pasay City noong Hulyo 15 habang sila ay nag-uusap nito dahil masama ang loob matapos iwanan ng dating nobyo at ipinalit ang biktima.

vuukle comment

ASIDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with