^

Police Metro

64 sinibak sa BoC, paglilinisin sa Ilog Pasig

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Doon kayo mag-report sa Pasig.”

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kawani ng tinanggal niya sa Bureau of Customs (BoC) dahil balak niya umanong ipalinis sa mga ito ang mga water lily sa Ilog Pasig.

Sa talumpati ng Pangulo sa pagdiriwang ng Araw ng Pasasalamat para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Camp Aguinaldo kamakalawa ng gabi, kinumpirma ng Pangulo ang pagtanggal sa 64 na kawani ng Customs maliban kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Sinabi pa ng Pangulo na may nagpayo sa kanya na kung nais niyang maputol ang katiwalian sa BoC ay dapat tanggalin niya lahat.

“Ang iniwan ko si Jagger lang, ‘yung chief. Kasi…, may nagbulong sa akin. ‘Gusto mo talagang maputol ang corruption, Mayor? Tanggalin mo lahat,” pahayag ng Pangulo.

Pinagre-report ng Pangulo ang kanyang mga tinanggal sa puwesto sa kanyang tanggapan sa Malacañang.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi na makalusot ang sinasakyan niyang barge mula sa tinutuluyang bahay papunta sa kanyang tanggapan dahil sa mga water lily kaya ipapatanggal niya ang mga ito.

Hindi naman tiyak kung nagbibiro lamang ang Pangulo o talagang paglilinisin niya ng mga nakakalat na water lily sa Ilog Pasig ang mga tinanggal na kawani ng BOC.

“So tinanggal ko lahat. Sabi ko, “Tanggal kayong lahat.” Doon kayo mag-report sa Pasig. Doon sa opisina ko, pinaka… Ang barge ko magpunta ako doon sa opisina sa Pasig, galing dito sa kabila, hindi na makalusot dahil sa water lily. ‘Yun ang ipatrabaho ko sa kanila para makalusot ako doon sa Malacañang,” pahayag ng Pangulo.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with