9 pulis opisyal ng MPD-11, tinanggal
MANILA, Philippines — Tinanggal sa kanilang puwesto ang 9 opisyal ng Manila Police District Station 11 matapos na patuloy umano ang pangongolekta ng mga ito sa mga vendors.
Ang mga tinanggal sa puwesto ay sina Lt. Col Antonietto Eric Mendoza, hepe ng MPD station 11; Major Robinson Maranion; Major Alden Lee Panganiban; Capt. Jerry Garces; Capt. Bernardino Venturina; Capt. Manuel Calleja; Lt. Jerry Campo; Lt. Maricel Pili at Lt. Maribel Casayuran.
Sinabi ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso patuloy ang ginagawang pangongolekta ng mga nasabing pulis sa mga organizer.
“Saan ka nakakita, utusan ng chairman ay colonel, major, PCP commander. Nagiging chuchuwariwap lang, ” ani Domagoso.
Ayon kay Domagoso, si MPD Director Brig. Gen. Vicente Danao ang pumili sa mga ipinalit na opisyal dahil mas alam nito ang kakayahan ng kanyang pulis.
- Latest