^

Police Metro

300 bahay natupok sa sumabog na LPG

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 300 kabahayan ang natupok matapos lamunin ng nangangalit na apoy habang tatlo ang nasugatan makaraang sumabog ang isang liquefied petroleum gas (LPG) sa sunog na sumiklab sa Brgy. Talaba 7, Bacoor City sa Cavite, kahapon ng umaga.

Nagtamo ng sugat at galos sa katawan si Gemena Galono, 21; habang na-mild stroke ang 61-anyos na si Jovel Tindungan at nakaranas naman ng paninikip ng dibdib matapos makalanghap ng usok si Enriquita So, 57-anyos.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga nang isa umanong malakas na pagsabog ang naganap mula sa bahay ng isang alyas “Omar” kung saan agad na lumikha ng malaking apoy na mabilis na kumalat sa mga katabing bahay na pawang mga gawa sa light materials.

Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog at tumagal ito nang higit sa tatlong oras bago tuluyang naapula na mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang fire volunteers.

Wala namang naitalang nasawi sa sunog habang tinatayang aabot sa P1-milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog.

vuukle comment

FIRE

LPG

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with