^

Police Metro

Quezon City ambush: Pulis todas sa tandem

Joy Cantos - Pang-masa
Quezon City ambush: Pulis todas sa tandem
Sinisiyasat ng mga pulis ang nakahandusay na bangkay ni P/Staff Sgt. Fernando Diamzon matapos na ito ay pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng umaga sa kahabaan ng Boni Avenue, Brgy. Bagong Lipunan, Quezon City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Pauwi na sana sa kanilang bahay ang isang pulis nang ito ay pagbabarilin ng riding in tandem gunmen kahapon ng umaga sa kahabaan ng Boni Serrano Avenue malapit sa Camp Crame, Brgy. Bagong Lipunan, Quezon City.

Namatay noon din ang biktimang si Police Staff Sergeant Fernando Diamzon na galing sa Manila Police District (MPD) at kalilipat lamang sa PNP-Intelligence Group (PNP-IG) na nakabase sa Camp Crame.

Sa salaysay ng testigong si P/Senior Master Sgt. Ernesto Buenviaje na sabay silang nagmomotor ng biktima bandang alas-8:50 ng umaga na kung saan pauwi na ang huli sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila.

Pagtapat sa San Juan Cemetery ay dito na sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ito.

Ayon kay Buenviaje, dinikitan sila ng riding in tandem saka pinaputukan ng anim hanggang pitong beses ang biktima bunsod upang sumemplang ang motorsiklong minamaneho nito na agad nitong ikinasawi.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng San Juan City.

Sinabi pa ni Buen­viaje, hindi siya nakabunot ng baril para gumanti ng putok dahil nasa compartment ng kaniyang motorsiklo ang kaniyang baril.

Iniimbestigahan na ang motibo ng  pamamaslang sa biktima at kabilang sa mga anggulo na may kinalaman sa trabaho nito bilang intelligence.

vuukle comment

POLICE AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with