^

Police Metro

Mag-utol na paslit tigok sa gumuhong dike

Raymund Catindig, Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang magkapatid na paslit habang malubhang nasugatan ang nakatatanda nilang kapatid nang mabagsakan ng gumuhong pader ng isang dike na naganap sa Brgy. Macate, Bambang, Nueva Viscaya noong Miyerkules.

Ang magkatapid na nasawi ay sina Mike Jhon Yadao, 8, at nakababatang kapatid na si Justine Sean Yadao, 4, habang durog naman ang dalawang paa ng kanilang kuya na si Kevin Joe Yadao, 10, na pawang mga residente naturang lugar.

Sa ulat, nagkayayaang maglaro sa lugar ang magkakapatid dakong alas-8:00 ng umaga dahil holiday at walang pasok sa eskuwela.

Habang naglalaro ay dito na umano gumuho ang isang malaking tipak ng pader mula sa isang bahagi ng dike kung saan agad na nasawi ang magkapatid matapos mabagsakan habang nadurog ang parehong paa ng kanilang kuya.

Nabatid na ang bahagi ng gumuho ay dati nang nasira matapos ang malaking baha noong November 2018 dahil sa bagyong si Rosita.

Sinabi naman ng kontraktor ng nasabing proyekto, ang dike na tinapos noong 2017 ay isang rubble masonry project kung saan pulido at matibay ang pagkakagawa subalit dahil sa sobrang dami at lakas ng tubig noong panahon ng bagyong Rosita ay nawasak ang huling bahagi nito.

vuukle comment

MIKE JHON YADAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with