^

Police Metro

6 Abu Sayyaf nadakip ng NBI

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na miyembro ng Abu Sayyaf Group sa tatlong magkakahiwalay na operasyon sa Taguig City, Balanga City, Bataan at Zamboanga City base.

Ang anim na suspek ay kinilalang sina Azmier Maalum y Girang a.k.a. Totong Aling; Amar Assan y Sapaluddin a.k.a. Abu Sonny Abubajar; Musa Tahil y Sampang a.k.a Hadji Ramon Gonzales a.k.a Hadji Butah; Jamil Ibrahim y Aril a.k.a. Malangka Dawasa; Yong Aming y Hassim a.k.a. Jamil Taib; at Majuk Tahil y Amil a.k.a. Enjie a.k.a Ejemel.

Unang naaresto ng NBI si Maalum sa Taguig City na may standing warrant of arrest para sa 8 counts ng kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay ng 2001 Golden Harvest kidnapping case at Assan na may kaugnayan din sa naganap na 2001 Golden Harvest kidnapping case. 

Itinuro rin ni Assan ang iba pa nitong mga kasamahan na sina Sampang na naaresto sa isang fast food sa Balanga City, Bataan.

Si Sampang, ay wanted sa kasong kidnapping sa Dr. Torres Memorial Hospital sa Lamitan, Basilan at gayundin sa serye ng pagpapasabog sa Basilan gamit ang improvised explosive device o eid.

Ang tatlo Sayyaf na sina Ibrahim, Aming at Tahil, pawang naaresto sa Zamboanga City.

vuukle comment

ABU SAYYAF

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with