^

Police Metro

P1 bilyong shabu narekober sa Malabon

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pang-masa
P1 bilyong shabu narekober sa Malabon
Iprinisinta ni PDEA Dir. Aaron Aquino at iba pang opisyal ang nasamsam na 146 kilo ng shabu na nadiskubre sa isang bodega sa Malabon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P1 bilyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga elemento ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa isang follow-up operation sa Malabon City, kamakalawa.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang pagkaka­sam­sam ng nasabing halaga ng droga ay bahagi ng follow-up operation sa Dasmariñas City, Cavite noong Pebrero 13 ng taong ito matapos naman ang forensic examination sa nakumpiskang cellphone sa mga naarestong drug traffickers.

Nabatid na sinalakay kamakalawa ng mga otoridad ang Goldwin Commercial Warehouse sa nasabing lungsod at nasamsam ang karagdagan pang 146 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1 bilyon.

Ang nasabing bulto ng droga ay nakasilid sa 114 bags sa loob ng aluminum pallets .

Sinabi ni Aquino na ang nasabing shipment ay may kaugnayan sa operasyon sa Dasmariñas City, Cavite noong nakalipas na Pebrero 13 kung saan nasa 36 kilo ng shabu na aabot sa P244-M ang nakum­piska, operasyon sa Tanza, Cavite noong Pebrero 3 kung saan nasa 274 kilo naman ng shabu ang nasamsam na nagkakahalaga ng P1.9 bilyon.

Nabatid sa opisyal na nagsagawa ng forensic investigation ang mga otoridad sa cellphone ng mga nasakoteng suspek na sina Alexander Jun Wah Ting Lee at Patrick John Gankee.

Natunton naman sa tulong ng BOC ang auction sa nasabing bodega na pinag-imbakan ng tapio­ca cornstarch o harina na pinagtaguan ng nasabing bulto ng droga.

vuukle comment

AARON AQUINO

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with