^

Police Metro

‘Bikoy’ kumanta Paratang sa pamilya Duterte pinasinungalingan...

Joy Cantos, Rudy Andal - Pang-masa
�Bikoy� kumanta Paratang sa pamilya Duterte pinasinungalingan...
Sa pagharap kahapon sa media ni Peter Joemel Advincula matapos sumuko sa pulisya ay direktang sinabi nito na si Sen. Antonio Trillanes at Liberal Party ang nasa likod ng ‘Bikoy’ videos na nagpaparatang sa pamilya Duterte na sangkot sa drug trade.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinasinungalingan kahapon ni Peter Joemel Advincula, nagpakilala bilang si alyas “Bikoy” sa “Ang Totoong Narco list” videos, ang kanyang mga naging unang paratang na binitawan niya laban sa mga kaanak at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi rin ni Advincula sa isinagawang press conference sa Camp Crame na ang kanyang mga paratang laban kina Duterte ay utos lamang ng opposition party na Liberal Party (LP) at ni Sen. Antonio Trillanes IV.

“Lahat ng nangyari sa ‘Ang Totoong Narco-list,’ video... lahat ‘yon pawang scripted, lahat ‘yon pawang kasinungalingan,” sabi ni Advincula, na sumuko sa pulisya.

Tampok sa mga ­video ang personalidad na si “Bikoy” na nagsasabing dawit sa kalakaran ng ilegal na droga ang anak ni Duterte na si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, manugang na si Manases Carpio, at dating aide na si senator-elect Christopher “Bong” Go.

Ayon kay Advincula, nakilala niya si Trillanes sa pamamagitan ng isang pari. Pinlano umano nilang siraan ang administrasyon na binansagang “Project Sodoma”.

Ang “Project Sodoma” ay planong patalsikin si Duterte bago mag-Hunyo 30, 2019, at paupuin sa puwesto si Vice President Leni Robredo, ang chairperson ng LP at si Trillanes ang uupong Vice President.

Ayon kay Advincula, pinangakuan siya ng P500,000 para lumabas sa mga “Ang Totoong Narco list” video pero wala umanong siyang natanggap.

Hindi na rin umano nakipag-ugnayan sa kanya si Trillanes matapos ang halalan noong Mayo 13, kung saan nabigong makakuha ng puwesto sa Senado ang mga kandidato ng oposisyon o ang Otso Diretso.

Dadalhin si Advincula sa Baguio City, kung saan mayroong standing warrant of arrest laban sa kanya para sa kasong estafa at illegal recruitment, ayon kay Philippine National Police chief Police Gen. Oscar Albayalde.

 “Kahit papano po may konsensya pa ako. hindi ko po kayang panindigan ‘yung mga scripted na kuwento, na ngayong talo na ‘yung mga kandidato nila, nararamdaman ko na unti-unti na akong nilalaglag at ang kinatatakutan ko, baka sila pa ang mag-eliminate sa akin kinalaunan dahil wala na akong silbi sa kanila na posible umano itong ibintang sa administrasyong Duterte.

vuukle comment

PETER JOEMEL ADVINCULA

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with