^

Police Metro

AWOL na parak nirapido, kritikal

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa malubhang kalagayan ngayon ang Absent Without Official Leave (AWOL) na pulis na si Police Cpl. Melvin Castillo, 42, ng Brgy. Salvacion, Quezon City matapos na ratratin ng ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa tapat ng Aqua Summit sa may Amoranto Ave., Brgy. Salvacion, Quezon City.

Galing sa isang mami house ang biktima at nang pasakay na sa kanyang SUV ay biglang sumulpot ang riding-in-tandem sa kanto ng N.S. Amoranto Sr. St. at Ipo St. sa naturang barangay at biglang pinagbabaril ang pulis.

Sa kuha sa CCTV, nakitang nakatakbo pa ang pulis subalit hinabol at pinagbabaril pa ng mga suspek hanggang sa tuluyan nang tumakas.

Nabatid na ang nasabing pulis ay dating tauhan ng Regional Anti-Illegal Drugs ng National Capital Region Police Office at nang ipinadala sa Mindanao ay nag-AWOL na ito.

vuukle comment

ABSENT WITHOUT OFFICIAL LEAVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with