^

Police Metro

6.5 magnitude lindol sa Visayas

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa
6.5 magnitude lindol sa Visayas
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang epicenter ng lindol sa may 9 na kilometro ng hilagang kanluran ng San Julian, Eastern Samar at tectonic ang dahilan ng lindol at umaabot sa 63 kilometro ang lalim ng lupa.
Phivolcs

Bicol Region at Eastern Mindanao damay rin...

MANILA, Philippines — Pagkatapos na yanigin ng 6.1 magnitude na lindol ang Luzon ay niyanig naman kahapon ng 6.5 magnitude na lindol ang Kabisayaan, Bicol region at Eastern Mindanao kahapon ng ala-1:37 ng hapon.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang epicenter ng lindol sa may 9 na kilometro ng hilagang kanluran ng San Julian, Eastern Samar at tectonic ang dahilan ng lindol at umaabot sa 63 kilometro ang lalim ng lupa.

Naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 5 sa Tacloban City at Catbalogan City.

Intensity 4 sa Masbate City, Legazpi City, at Sorsogon City at as of 3pm ay may mahigit 40 aftershocks na ang naitala.

Niliwanag ni Ismael Narag, seismologist ng Phivolcs na mababaw ang source ng lindol sa Luzon noong Lunes na 6.1 magnitude kayat malakas ang epekto nito at nakasira ng gusali.

Naiulat naman sa Visayas na walang gaanong mga silid aralan at gusali ang naapektuhan ng lindol doon dahil karamihan ang gusali doon ay hanggang second floor lamang at walang gaanong high rise buildings.

Tinagubilinan ng Phivolcs ang mga local chief executives sa Visayas, Bicol Region at eastern Mindanao na suriin ang mga gusali para maipaayos kung naapektuhan ng lindol.

vuukle comment

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with