^

Police Metro

4 patay sa anti-drug ops

Christian Ryan Sta. Ana, Omar Padilla - Pang-masa
4 patay sa anti-drug ops
Napatay dakong ala-1:50 ng madaling araw si Dionaldo sa Del Pilar St.,Barangay Malasin nang manlaban umano ito nang makatunog na pulis ang kanyang katransaksiyon.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Patay ang apat na la­laki na umano ay tulak ng droga sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Nueva Ecija at Bulacan, kahapon ng madaling araw.

Sa San Jose City, Nueva Ecija napatay ang dalawang suspek na sina Dominador Dionaldo, alyas Buboy, ng Barangay Malasin, dito; at isang Ryan Gonzales, ng Tandang Sora, Quezon City.

Napatay dakong ala-1:50 ng madaling araw si Dionaldo sa Del Pilar St.,Barangay Malasin nang manlaban umano ito nang makatunog na pulis ang kanyang katransaksiyon.

Dakong alas-3:20 naman ng mapatay si Gonzales ng mga otoridad sa Juana St., Barangay Abar 1st.

Napatay naman ang drug suspect na si Allan Nuela, 37, ng Brgy. Longos, Calumpit, Bulacan dakong ala-1:15 ng madaling araw.

Habang napatay si Michael Lasala ng Brgy.Gaya-gaya, San Jose del Monte Bulacan dakong alas-12:15 ng madaling araw.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 21 plastic sachet ng shabu, 1 smith and wesson cal .38 revolver, 1 cal .38 Revolver, 1 Yamaha sporty na motorsiklo at buy-bust money.

vuukle comment

DOMINADOR DIONALDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with