^

Police Metro

Kidnaper ng paring Italyano utas sa shootout

Joy Cantos - Pang-masa
Kidnaper ng paring Italyano utas sa shootout
Batay sa ulat,bago naganap ang shootout dakong alas -10:45 ng umaga ay sisilbihan ng warrant of arrest si Muloc kaugnay ng kaso nitong kidnapping na walang nakalaang piyansa, subalit nanlaban ito sa mga elemento ng Zamboanga del Norte Provincial Mobile Force Company at 97th Infantry Battalion ng Philippine Army kaya’t napatay.
File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang isa sa mga kidnaper ni dating Italian priest Rolando del Torchio matapos na manlaban sa mga operatiba ng pulisya sa operasyon, kamakalawa sa Brgy. Mucas, Salug, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang napatay na suspek  na si Julmin Muloc, Provincial Level top 1 sa mga wanted na grupong kriminal , nasa watchlist ng mga gun for hire at sangkot sa kidnapping for ransom.

Si Muloc, ay sangkot sa pagbihag kay del Torcio sa sa pag-aari nitong pizzeria sa Dipolog City Zamboanga del Norte noong Oktubre 2015 at pinalaya  sa  lalawigan ng Sulu noong Abril 2016.

Batay sa ulat,bago naganap ang shootout dakong alas -10:45 ng umaga ay sisilbihan ng warrant of arrest si Muloc kaugnay ng kaso nitong kidnapping na walang nakalaang piyansa, subalit nanlaban ito sa mga elemento ng Zamboanga del Norte Provincial Mobile Force Company at 97th Infantry Battalion ng Philippine Army  kaya’t napatay.

vuukle comment

ROLANDO DEL TORCHIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with