PRRD sa Customs chief: Barilin ang mga smugglers
MANILA, Philippines — “Order ko,‘pag may nagnakaw diyan civilian, Customs o Coast Guard, barilin mo, patayin mo. Sige, sige, mag-smuggling kayo diyan. ‘Yan ang order ko. Nilagay ko Army”.
Ito ang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iniluklok niyang bagong Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na dating AFP chief upang linisin ito mula sa corruption.
“Si Jagger (Guerrero’s nickname) naging Chief of Staff man ‘yan, kilala ko man ‘yan. ‘Di magsabi siya, ‘Sir, binaril namin. Utos mo kasi, nagnakaw.’ Eh tama ‘yan. Para sabihin niya sinong nag-iyak, biyuda? O sige, mag-demanda kayo. Yeah, you can go to court tapos ako ‘yung accused,” dagdag pa ng Pangulo.
Ipinagtanggol din ni Duterte si former Customs Chief Isidro Lapeña at iginiit na wala itong kinalaman sa bilyong halaga ng droga na nakalusot sa Customs.
“Si Sid Lapeña, nalusutan lang ‘yan siya doon sa --- kasi hindi taga-roon eh. Eh kaya, probinsyano rin ‘yung tao.Hindi naman sanay dito sa Maynila, nalusutan siya,” giit pa ni Duterte.
- Latest