^

Police Metro

Cortez may pinatunayan

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinakita ni Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee O’Neal Cortez ang tikas nito sa pagdadala matapos ipanalo ang kabayong Expensive sa Condition Race category 20 noong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Sinabayan ng Expensive ang Smart Tyler sa largahan at pinapanood nila sa unahan ang bumanderang Smiling Gee.

Sa huling 600 meter ng karera ay pinakawalan ni Cortez ang Expensive at unti-unti nitong inungusan ang Smiling Gee, subalit habang lumalampas ay kinapitan ito ng Smart Tyler.

Hindi naman nasira ang diskarte ni Cortez at nagawa nilang iwanan ang Smart Tyler bago duma­ting ng hometurn.

“Sa ipinakitang galing ng Expensive ay malaki pa ang iuumento niya, pagremate naming, tuluy-tuloy kahit may sumabay hindi siya nailang,” kuwento ni Cortez.

Wala nang ginawa si Cortez sa rektahan, umupo na lang ito sa ibabaw ni Expensive at hindi na hinugutan ng latigo.

“Malayo na kasi ‘yung mga kalaban at tantsado ko naman ‘yung distansya,” ani Cortez.

Sumegundo sa 1,200 meter race ang Hello Gorgeous habang tersero ang Smart Tyler.

Samantala, walang kahirap-hirap na nagwagi ang  top favorite na Dixie Storm Group Race (11) na pinasibat sa unang karera.

Sinunggaban ng Dixie Storm ang unahan sa largahan habang ang hinete nitong si class A rider Mark Angelo Alvarez ay kampanteng kumayog sa kanyang likuran.

Sa unang kurbada, malinaw na nasa unahan ang winning horse at hindi ito pinaporma ang mga nakalaban sa 1,200 meter race.

“Halos umupo lang ako pinabayaan ko lang na tumakbo ang Dixie Storm, bigay hilig ang ginawa ko,” masayang sabi ni Alvarez.

Ang Dixie Storm na pag-aari ni Alfredo Atienza ay abante ng anim na kabayo sa nasegundong All For Mama pagtawid ng meta.

Pangatlong dumating ang Incredible Hook habang pang-apat ang Show Off.

vuukle comment

CORTEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with