^

Police Metro

Itinago sa children’s books... 3 courier ng cocaine tiklo sa NBI

Ludy Bermudo - Pang-masa
Itinago sa children�s books... 3 courier ng cocaine tiklo sa NBI
Iprinisinta kahapon ng National Bureau of Investigation ang naarestong tatlong suspek na drug dealer na nagtangkang ibiyahe ang 3 kilo ng cocaine na nakapalaman sa limang libro na pambata sa dalawang drug operations sa Pasay City at Pasig City.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga ­operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong katao na nagsabwatan para ibiyahe ang nasa 3 kilo ng cocaine na nakalagay sa loob ng mga children’s books.

Isiniksik ang cocaine sa harap at likod na pabalat ng limang aklat at naniniwala ang NBI na ito ay dadalhin sa Bangkok mula Brazil via Manila.

Ang naarestong suspek na si Ma. Clara Bedico, ang may dalang bag na naglalaman ng mga libro at bumaba noong March 28, at nagpunta sa isang fast food restaurant malapit sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 upang katagpuin ang isang Alvin Avila, na tutulong para i-rebook ang kanyang biyahe.

Kaya’t agad nagtungo ang NBI special action agents na nakipagtulu­ngan sa drug enforcement operatives sa restaurant at inaresto ang dalawa at napansin na kakaiba ang bigat ng mga libro kaya’t pinunit ito at nakita ang mga puting pulbos at nang suriin sa laboratoryo ay nagpositibo na cocaine.

Naaresto sa isang follow-up kinabukasan sa Pasig City ang kasama nina Bedico at Avila na si Antonette Mendiola.

Malaki ang paniniwala ng NBI na na-recruit ang tatlo ng Western African Drug Syndicate, sa pamamagitan ng advertisements sa Facebook na magdedeliber ng mga alahas na hindi nila alam na droga ang kanilang ibabiyahe.

vuukle comment

COCAINE

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with