^

Police Metro

Mayor arestado sa armas at bala

Rhoderick Beñez - Pang-masa
Mayor arestado sa armas at bala
Sa ulat na nakuha kay Antipas Police Chief Captain Bernard Abarquez, hinalughog ng pulisya ang bahay ng alkalde sa bisa ng search warrant, alas-6:00 ng umaga. Ito ay may kinalaman sa paglabag ng RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.
File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad si Antipas Mayor Egidio “Ekis” Cadungon matapos na makuhanan ng mga armas sa isinagawang raid ng pulisya sa kanyang bahay sa Poblacion, Antipas, North Cotabato, Biyernes ng umaga.

Sa ulat na nakuha kay Antipas Police Chief Captain Bernard Abarquez, hinalughog ng pulisya ang bahay ng alkalde sa bisa ng search warrant, alas-6:00 ng umaga. Ito ay may kinalaman sa paglabag ng RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Narekober sa bahay ng alkalde ang isang bala ng 9mm pistol at hinihinalaang caliber .38 revolver.

Samantala, iginiit ni Mayor Cadungon na “politically motivated” ang nasabing hakbang ng mga pulis dahil wala namang mga malaking ebidensiya na nakuha sa bahay nito. Aniya, posibleng gawa ng pulitika upang hindi makapangampanya ng pagka-alkalde sa kanyang bayan.

Kahapon, nakapag­lagak ng piyansa ang alkalde para sa kanyang pansamantalang paglaya. Joy Cantos

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with