^

Police Metro

Joy Belmonte kakalingain ang LGBT community

Angie dela Cruz - Pang-masa
Joy Belmonte kakalingain ang LGBT community
Ito ay sinabi ni Belmonte nang ihayag ang kanyang plataporma na hangaring gawing isang millennial city ang QC na angkop sa diversity, innovation, at mga progresibong kaalaman na eengganyo sa kabataan na manirahan sa lunsod na may potensiyal sa pagbabago at pag-unlad ng pamayanan.
File

MANILA, Philippines — Tiniyak ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na patuloy na kakalingain at poprotektahan ng Quezon City ang kapakanan at karapatan ng mga mi­yembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) Community sa lungsod.

Ito ay sinabi ni Belmonte nang ihayag ang kanyang plataporma na hangaring gawing isang millennial city ang QC na angkop sa diversity, innovation, at mga progresibong kaalaman na eengganyo sa kabataan na manirahan sa lunsod na may potensiyal sa pagbabago at pag-unlad ng pamayanan.

Anya, ang QC ang unang lunsod na nagpasa ng ordinansa na nanga­ngalaga sa karapatan ng mga miyembro ng LGBT community na kilala bilang QC Gender-Fair Ordinance, ang batas na nag-aalis sa anumang uri ng diskriminasyon sa sinumang tao anuman ang kanyang kasarian.

Sa ilalim ng QC Gender-Fair Ordinance, parurusahan ang sinumang hahadlang na mabigyan ng trabaho, makapag-aral, makatanggap ng anumang serbisyo at akomodasyon ang LGBT members.

May kulong ng 2 buwan hanggang isang taon at multang P1,000 hanggang P5,000 ang sinumang lalabag sa naturang ordinansa.

vuukle comment

JOY BELMONTE

LGBT COMMUNITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with