^

Police Metro

Obrero hulog sa footbridge, tigok

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 20-anyos na construction worker nang aksidenteng mahulog sa itinatayong footbridge sa Brgy. Bagong, Sablan, Benguet nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Rafael Calao, tubong-Brgy Labueg, Kapangan, Benguet.

Sa ulat ng Cordillera Police, dakong alas-9:00 ng gabi nang iulat sa pulisya ang naturang pangyayari.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang abala ang biktima sa pagtratrabaho sa itinatayong 15-16 metrong taas na footbridge nang biglang bumigay ang sinasandalan nitong poste.

Bunga nito ay bumulusok ang biktima sa lupa na sa kamalasan ay una ang ulo nitong bumagsak at humampas sa matigas na bagay.

Nagawa pang maisugod ang biktima sa Benguet General Hospital pero nabigo nang mai­salba ang buhay nito.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang kasong ito at inaalam na rin ang pananagutan ng pangasiwaan ng nasabing construction company sa sinapit ng biktima. Raymund Catindig

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with