^

Police Metro

Sotto:Iboto ang mga kandidatong senador na pabor sa death penalty

Malou Escudero - Pang-masa
Sotto:Iboto ang mga kandidatong senador na pabor sa death penalty
Kaya hinikayat kahapon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga botante na iboto ang mga kandidato na pabor sa pagbabalik ng death penalty.
File

MANILA, Philippines — “Ang Pilipinas lang sa bansa sa Asya na wala pang death penalty”.

 

Kaya hinikayat kahapon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga botante na iboto ang mga kandidato na pabor sa pagbabalik ng death penalty.

Ayon kay Sotto, siya ang orihinal na naghain ng panukala na ibalik ang parusang kamatayan noong 9th at 10th Congress pa para sa “high-level drug trafficking,” pero pagkatapos ng nangyaring pagpaslang sa isang 16-taong gulang na babae sa Cebu na binalatan pa ang mukha, mayorya aniya ng mga mamamayan na nananawagan na muling ipatupad ang parusang bitay.

Ngayong 17th Congress, sina Sotto at Senator Manny Pacquiao ang nagsusulong na muling ibalik ang death penalty.

Inamin ni Sotto na kulang sila sa bilang para pumasa sa Senado ang panukala pero pagkatapos aniya ng nangyari sa Cebu ay posible na ilang  senador ang pumayag.

Kung hindi man aniya pumasa ngayong 17th Congress ang panukala, posibleng mangyari ito sa susunod na Kongreso kaya dapat iboto ang mga kandidatong pabor sa panukala.

Naniniwala rin si Sotto na hindi na lamang mga “high level drug traf­ficking” ang dapat patawan ng parusang kamatayan kung hindi maging ang mga karumal-dumal na krimen.

vuukle comment

DEATH PENALTY

VICENTE “TITO” SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with