^

Police Metro

Jolo bombers tinutugis

Joy Cantos - Pang-masa
Jolo bombers tinutugis
Sa kuha ng unang CCTV, malinaw na nakunan ang tatlo sa mga suspect habang sa isa pa ay nakunan naman ang iba pang suspect.

Tatlong person of interest nakunan ng CCTV...

MANILA, Philippines — Matapos na matukoy sa CCTV na 4 hanggang 6 na suspek kabilang ang isang babae ang may kagagawan ng dalawang sunod na pagbomba sa loob at labas ng Our Lady of Mount Carmel Cathedral na ikinasawi ng 20 katao at pagkasugat ng 112 pa ay nagsasagawa na ngayon nang pagtugis ang security forces.

Ito ang sinabi ni Col. Noel Detoyato, Chief ng AFP Public Affairs Office, kung saan isang babae na pumasok sa loob ng simbahan ang natukoy na may dala ng bomba.

“We have 4-6 suspects including a woman that left the bomb inside the church, “ani Detoyato kung saan may nakakita sa mga survivors na ang iniwang bag ng nasabing babae sa ikalimang upuan ang pinaglalagyan ng sumabog na bomba.

Sa kuha ng unang CCTV, malinaw na nakunan ang tatlo sa mga suspect habang sa isa pa ay nakunan naman ang iba pang suspect.

Tinukoy naman na ang Abu Sayyaf Group ang mastermind sa pagpapasabog na isinagawa ng Ajang-Ajang group na kaalyado ng mga ito.

Ang tatlong persons of interest na malinaw na nakunan sa CCTV ay kinabibilangan ng isang alyas Kamah, bomb maker na kapatid ng napatay na lider ng Ajang Ajang group na si Surakah Ingog.

 Sa kuha ng CCTV ay makikita ang isang lalaki na naka-jacket ng kulay berde’t asul na tinukoy na si Kamah na may iniaabot sa isang lalaking naka-sumbrero na may dalang bag at dito rin ay kitang-kita ang pag-detonate sa ikalawang bomba sa labas ng simbahan.

Sa resulta naman ng post blast investigation ang mga sangkap ng pampasabog na kinabibilangan ng ammonium nitrate ay inilagay sa tubo na ginamitan naman ng cellphone bilang triggering device at ang signature naman ay mula sa mga ektremistang Abu Sayyaf Group .

Magugunita noong Linggo ng alas- 8:58 ng umaga sa ikalawang pagbasa habang idinaraos ang isang misa ay sumambulat ang itinanim na bomba sa loob ng simbahan at ilang minuto pa ay sumunod namang sumabog ang ikalawang bomba sa labas ng nasabing pook dasalan.

vuukle comment

BOMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with