Tserman na mayoralty candidate sa Cavite, inaresto
MANILA, Philippines — Isang kasalukuyang barangay chairman na tumatakbong alkalde sa bayan ng Rosario, lalawigan ng Cavite ang inaresto ng pulisya sa kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa Barangay Tejeros Convention.
Ang inaresto ay kinilalang si Joemel Pulido, 40 kasalukuyang chairman ng Barangay Tejeros Convention, kandidato bilang mayor sa bayan ng Rosario at residente ng Gen. Trias Drive.
Ang pag-aresto kay Pulido ay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Amy Ana L. De Villa-Rosero ng 4th Regional Trial Court sa kasong paglabag ng una sa Omnibus Election Code noong Brgy. elections.
- Latest