Snatcher nanlaban sa pulis napatay
December 19, 2018 | 12:00am
MANILA, Philippines — Patay ang snatcher na si Mark Anthony Negado, 20 ng Purok 1, Brgy. IV, Daet, Camarines Norte matapos itong makipagbarilan sa mga pulis na humabol sa kanya nang agawan nito ng bag si Adele Lacson,62 kamakalawa ng alas-7:45 ng gabi.
Sa halip na sumuko nang makorner ay bumunot ito ng baril at nakipagbarilan dahilan para paputukan siya ng mga operatiba at napatay.
Nabawi ang ninakaw na bag mula kay Lacson at kalibre 38 baril na ginamit.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended