^

Police Metro

Bahay ng dating piskal inakyat, P4-M natangay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot sa P4 mil­yong halaga ng mga alahas at kagamitan ang natangay ng mga magnanakaw matapos na akyatin at pasukin ang bahay ng isang dating piskal, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si  George Florendo Cabanilla, 65, ng Brgy. Bagong Pag-asa ng lungsod.

Sa salaysay sa pu­lisya ng kasambahay ng piskal na si Evelyn Evarista, dakong alas-5:20 ng umaga ay magsisimula na sana siyang maglinis sa buong kabahayan nang mapansin nito na parang dinaanan ng bagyo ang sala at bukas ang bintana sa kusina.

Nawawala ang (1) Samsung tablet na nagkakahalaga ng P15,000; isang Celine bag, kulay asul na Balenciaga  bag na naglalaman ng mga importanteng dokumento, passport, mga mamahaling alahas na nagkakalahalaga ng P3.8 milyon, at P150,000 cash.

vuukle comment

GEORGE FLORENDO CABANILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with