^

Police Metro

Ginang naningil sa utang, tinarakan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang ginang matapos tarakan sa dibdib ng kanyang sinisingil sa utang ng P800 naganap sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

 

Ang nasawi ay kinilalang si Roselyn Dimagiba, alyas “Len-Len”, tinatayang nasa 40-45 anyos.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Nilo P.  Zabala, 33, residente ng no. 443 Pacheco St., Tondo.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-6:20 ng gabi ng Biyernes nang makitang nagtatalo sa C.P. Garcia St., sa Tondo ang biktima at suspek dahil sa utang na P800 ng huli hanggang sa mauwi sa pananaksak.

Isinugod ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ngunit idineklarang dead-on-arrival habang mabilis na naglahong parang bula ang suspek na dala ang ginamit na patalim.

Patuloy pa ang imbestigasyon at follow-up operation para madakip ang suspek.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with