^

Police Metro

Mag-asawa inutas ng 2 kapitbahay

Joy Cantos - Pang-masa
Mag-asawa inutas ng 2 kapitbahay
Sa ulat, pasado alas-8:00 ng gabi ay kumatok sa bahay ng mag-asawa ang mga suspek at pinatuloy ito.
File

MANILA, Philippines — Napatay ang isang mag-asawa habang malubhang nasugatan ang 12-anyos nilang dalagita, anak matapos na sila ay pagsasaksakin ng dalawa nilang pamangkin kamakalawa ng gabi sa Brgy. Langkas, Dalaguete, Cebu.

Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina Servando Ramos, 57; at misis nitong si Ana Maria Grace Ramos, 47.

Malubhang nasugatan dahil sa saksak sa kaliwang pisngi ang anak nilang 12-anyos na dalagita.

Ang dalawang suspek ay ang kapitbahay nilang sina Antonio Jabagat at Alejandro  Jabagat.

Sa ulat, pasado alas-8:00 ng gabi ay kumatok sa bahay ng mag-asawa ang mga suspek at pinatuloy ito.

Habang nasa kuwarto ay narinig ng dalagita ang paghingi ng saklolo ng ina at ama kaya’t pinuntahan niya ito at nakita na sinasaksak ito ng mga suspek kaya’t mabilis siyang bumalik sa kuwarto.

Pagkatapos ay inakyat ng mga suspek ang dalagita sa kuwarto at pinagsasaksak ito na nahinto lang nang marinig na may dumarating. Ang mga suspek ay nagmamadaling tumakas tangay ang sling bag ng pinatay na padre de pamilya na naglalaman ng tinatayang P80,000.00. Sa ospital ay sinabi ng dalagita sa mga pulis ang mga suspek na tinutugis na ngayon.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with