^

Police Metro

9 tamad na pulis intel sinibak

Rhoderick Beñez - Pang-masa
9 tamad na pulis intel sinibak
Nabatid na maraming natatanggap na reklamo si Limson sa 9 na hindi muna pinangalanang mga pulis dahil sa kakulangan ng accomplishment sa kanilang hanay.
File

MANILA, Philippines — Tinanggal sa kanilang puwesto ang 9 na pulis na miyembro ng intelligence unit ng Banga Municipal Police Station, South Cotabato dahil sa katamaran.

Ito ang inihayag kahapon ni South Cotabato Provincial Office Director P/Senior Supt. Joel Limson matapos lumabas sa isinagawang evaluation at assessment ay nagho-hokus pokus lang o drama ang lamang ang isinasagawang operasyon ng mga ito laban sa illegal na droga at mga illegal na aktibidad.

Nabatid na maraming natatanggap na reklamo si Limson sa 9 na hindi muna pinangalanang mga pulis dahil sa kakulangan ng accomplishment sa kanilang hanay.

Kinumpara pa nito ang Intelligence unit sa City Police Station ng Koronadal na nasa apat lamang ngunit maraming accomplishment kung ikumpara umano sa 9 kasapi ng Intel unit ng Banga Municipal Police Station.

Binigyan naman nito ng warning ang chief of police ng nabanggit na police station matapos ang isinagawang pagsibak sa kanyang mga tauhan.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with