^

Police Metro

DFA chief pinuri si Cayetano

Lordeth Bonilla - Pang-masa
DFA chief pinuri si Cayetano
Sa isang post sa Twitter, sinabi ni Locsin na mas napaganda ang frontline services ng DFA sa panahon ng panunungkulan ni Cayetano na sa pagsusumikap nito ay mas umikli ang oras nang paghihintay para sa paglabas ng passport sa anim na araw.
AP, Aaron Favila, File

MANILA, Philippines — Pinuri ng bagong talagang kalihim ng Department of Foreign Affairs na si Teddy Locsin si dating DFA Secretary Alan Peter Cayetano na nasa ilalim noon ng pamumuno nito ay mas napahusay ang pagpoproseso ng passport pati na rin ang serbisyo at tulong para sa mga Overseas Filipino Workers sa buong mundo.

Sa isang post sa Twitter, sinabi ni Locsin na mas napaganda ang frontline services ng DFA sa panahon ng panunungkulan ni Cayetano na sa pagsusumikap nito ay mas umikli ang oras nang paghihintay para sa paglabas ng passport sa anim na araw.

Resulta ito ng mga programang ipinatupad simula pa noong isang taon kasama na ang pagdagdag ng kapasidad ng DFA na tumanggap ng bugso ng mga aplikante. Kasama na rito ang pagtanggap ng payment sa e-payment scheme at ang pagbubukas ng mahigit na 10,000 slots simula 12 noon at 9 p.m., Lunes hanggang Sabado, hindi lamang kasali ang holiday.

Upang mapataas pa ang kapasidad, gumawa ng mga hakbang ang DFA, kasama na rito ang paglulunsad ng e-payment portal kung saan tumaas ang show-up rate ng mga aplikante mula 65 porsyento ay naging 95 porsyento at lalong pinabilis ang pagproseso ng papeles kaya naman mas maraming aplikante ang natatanggap ng DFA.

Bukod dito ay inuna ring inasikaso ni Cayetano ang kapakanan ng milyun-milyong mga OFW sa buong mundo na sa kanyang panunungkulan ay sinagot ng ahensya ang exit fines, iba pang penalties at airline tickets.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with