^

Police Metro

Pinay sa Japan patay sa pananaksak

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 48-anyos na Pinay ang nasawi matapos pagsasaksakin sa Japan nitong Huwebes ng gabi.

 

Ito ang report na nakarating kahapon sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nagpahatid naman ng pakikiramay ang pamunuan ng DFA sa pamilya ng biktima  na hindi muna binanggit ang pangalan nito.

Ayon sa tagapagsalita ng DFA na si Asst. Secretary Elmer Cato, ini-report ng embahada ng Pilipinas sa Japan, na binawian ng buhay ang Pinay na biktima habang nilalapatan ito ng lunas sa isang ospital sa Hamamatsu matapos itong magtamo ng ilang malalalim na saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Nasa kustodiya naman ng Japanese police ang suspek na hindi muna pinangalanan.

Tiniyak sa pamilya ng biktima ni Ambassador to Japan Jose C. Laurel V  na gagawain nila ang lahat upang makamit ng biktima ang hustisya.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with