^

Police Metro

Nainip na matawag ang pangalan... sekyu ng kwarta padala todas sa kliyente

Eva Visperas - Pang-masa
Nainip na matawag ang pangalan... sekyu ng kwarta padala todas sa kliyente
Ang nasawi ay kinilalang si Lito Mana­ngan, sekyu ng MLhuillier Kwarta Padala, residente ng Brgy. Macalong, ng nasabing lungsod.
File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang sekyu ng isang money remittance matapos na siya ay saksakin ng kanilang kliyente na naubusan ng pasensiya para makuha ang ipinadalang pera sa kanya naganap kamakalawa sa Urdaneta City, Pangasinan.

 

Ang nasawi ay kinilalang si Lito Mana­ngan, sekyu ng MLhuillier Kwarta Padala, residente ng Brgy. Macalong, ng nasabing lungsod.

Agad namang naaresto ang suspek na si Michael Cabural, residente ng Brgy. Cayambanan, ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na im­bestigasyon ng pulisya, na nainip umano si Cabural na matawag ang kanyang pangalan ng nasabing money remittance shop para makuha ang pera na ipinadala sa kanya ng  live in partner.

Kinompronta nito ang biktima at inusisa kung bakit napakatagal na tawagin siya na sinagot naman ng una hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna nang pagtatalo ay kinuha ng suspek ang dalang patalim sa kanyang bag at dito ay inundayan nang maraming saksak ang sekyu na hindi nagawang mabunot ang baril.

Nang bumulagta ang biktima ay agad itong dinala sa Urdaneta District Hospital na kung saan ay idineklara itong dead-on-  arrival.

Ang suspek ay nadakip ng mga pulis sa isinagawang follow-up operation.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with