^

Police Metro

Shabu hinahaluan ng bubog, oxalic acid atbp.

Mer Layson - Pang-masa
Shabu hinahaluan ng bubog, oxalic acid atbp.
Sa ulat, ng pulisya dakong alas-2:30 ng mada­ling araw ay nagsagawa ng drug buy-bust operation ang Quezon City Police District (QCPD)-Novaliches Police Station (PS-4) sa Rich Land St., tapat ng Bagbag Elementary School, sa Brgy. Bagbag, Novaliches at dito ay kanilang naaresto ang dalawang suspek.
File

MANILA, Philippines — Kwidaw sa mga tumitira ng shabu dahil hindi lang pagka-praning ang magi­ging epekto sa utak kundi mabilis na kamatayan matapos na matuklasan ng pulisya na hindi puro ang nasamsam nilang shabu sa dalawang drug pusher na naaresto sa isang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City.

Ito ang naging paalala ng pulisya matapos na maaresto ang dalawang drug pusher na sina Ryan Ceblano, 25, at Jester Sanciangco,18, kapwa residente ng Brgy. Baesa ng lungsod.

Sa ulat, ng pulisya dakong alas-2:30 ng mada­ling araw ay nagsagawa ng drug buy-bust operation ang Quezon City Police District (QCPD)-Novaliches Police Station (PS-4) sa Rich Land St., tapat ng Bagbag Elementary School, sa Brgy. Bagbag, Novaliches at dito ay kanilang naaresto ang dalawang suspek.

Nasamsam ng mga otoridad mula sa dalawang suspek ang isang pakete ng shabu at nang busisiin ay nabatid na hinaluan ng dinurog na menthol candy upang kumita ng malaki.

Pinatunayan ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na talagang hinahaluan ng ilang drug pusher ang shabu ng menthol candy, tawas, toilet freshener, dinurog na bumbilya, at minsan ay ang nakakalasong oxalic acid na hindi mapupuna ng gagamit dahil puting pulbos din ito.

Ang paghahalo ng mga nasabing sangkap ay para palitawin na marami ang shabu na ipinagbibili ng mga drug pusher.

Ang dalawang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with