^

Police Metro

Nagtapon ng chemical waste sa San Juan river kakasuhan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang magsampa ng kaukulang kaso ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), Laguna Lake Develoment Authority (LLDA) at local government unit ng Quezon City laban sa Globesco Incorporated na matatagpuan sa 192 Sto. Domingo Ave., Quezon City matapos na matuklasan na sa kanila nagmumula ang dumadaloy na chemical waste sa San Juan River at dumideretso sa Ilog Pasig.

Ang pagkakatuklas ay nang magsawa nang inspeksiyon kamakalawa ang PRRC, LLDA at QC LGU sa Globesco at dito ay nakita nila ang tosang ng kompanyang gumagawa ng kilalang pintura at thinners ay nagdidiretso sa San Juan River.

“Globesco ang ininspeksiyon namin, nakita ng river warriors ng PRRC na pasimpleng nagdi-discharge ng chemical wastes sa San Juan River ang nasabing kompanya,” ani PRRC Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia.

Nabatid na matagal nang inirereklamo ng mga residente sa paligid ng Globesco ang pabrika ng pintura sa masangsang na amoy ng ibinubuga nito na sanhi ng pagkakasakit sa baga ng ilang mamamayan lalo ang mga bata.

vuukle comment

PASIG RIVER REHABILITATION COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with