^

Police Metro

Ex-pulis colonel na nadakip sa kidnap/slay, nakatakas

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakas kahapon ang isang dating colonel ng Parañaque Police na sangkot sa Oct. 2017 kidnap/slay ng isang casino ­operator matapos na maaresto noong Linggo sa Gonzaga, Cagayan.

Ang suspek ay kinilalang si Supt. Johnny Orme, dating Parañaque Police Intelligence Chief na AWOL sa serbisyo dahil sa kasong pagkidnap at pagpatay.

Sa ulat, noong Sabado ay naaresto si Orme sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas noong September 10 ng Pasay RTC Judge Francisco Mendiola kaugnay sa pagkidnap at pagpatay kay Carlos Tan noong October 2017.

Ayon sa PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) nag-AWOL si Orme nang mapatay ang apat nitong kasangkot na kabaro sa isinagawang police operation matapos nilang hingan ng P50-milyong ransom money si Tan na kalaunan ay kanilang kinatay.

Kahapon nagpahatid si Orme sa kanyang bahay para magpalit ng damit bago siya ibiyahe sa Police Regional Office sa lungsod at dito ay tumakas ang una.

Sinibak na rin kahapon ni Region 2 Police Director Chief Supt. Mario Espino si Chief Insp. Jayson Cabauatan, hepe ng Gonzaga PNP dahil sa nangyaring kapalpakan.

vuukle comment

AWOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with