^

Police Metro

Gensan bomber dedo sa drug bust

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang isa sa bomber ng GenSan noong Setyembre 16 sa isang drug buy bust operation kamakalawa sa Barangay Glamang, Polomolok, South Cotabato.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Samrud Embang, 22 at residente ng Brgy. Lapu, Polomolok South Cotabato.

Bago ang drug operation dakong alas-4:00 ng hapon ay natunugan ng suspek na isang pulis ang kanyang katransaksiyon sa droga kaya’t bumunot ng baril at binaril ang nasabing pulis na maswerteng hindi tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga kasamahan ng pulis na nakaantabay sa lugar at napatay ito.

Ayon sa Polomolok-PNP, isa sa mga drug surrenderee ang suspek at nakatapos sa community based rehabilitation program ngunit bumalik pa rin sa illegal na gawain.

Lumalabas din sa intel report ng PNP na miyembro ng Ansar Al Khilafa Philippines ang suspek na sangkot sa GenSan bombing.

vuukle comment

BOMB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with