^

Police Metro

San Jose del Monte landfill hiling kay Duterte na ipasara

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Higit 1,000 residente ng San Jose Del Monte, Bulacan ang nag-rally nitong nakaraang Biyernes sa Igay Provincial Road para iapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara na ang isang sanitary landfill sa pagitan ng San Jose del Monte at Norzagaray.

Hiniling kay Pangulong Duterte ng mga nagpo-protestang residente at mga lider ng Simbahan at civic groups sa San Jose del Monte na imbestigahan ng Malacañang ang balita na pati mga hospital wastes mula sa mga ospital sa karatig na bayan ng Bulacan at mga siyudad sa Metro Manila ay itinatapon na sa Wacuman landfill.

“Mayor Duterte, sana po ay pakinggan ninyo ang mga tao ng San Jose del Monte dahil natatakot po kami para sa aming kalusugan, lalo na po ng aming mga kawawang anak,” panaghoy ni Zosimo S. Lorenzo, president ng Association of Barangay Captains (ABC) ng San Jose del Monte at barangay chairman ng Barangay Kaypian.

Ayon kay Lorenzo, halos siyam na taon nang ipinu-protesta ng mga taga-San Jose del Monte ang landfill dahil maaari nitong maapektuhan ang mga pinagkukunan nila ng tubig na posibleng makontamina ng mga dumi at bacteria ang tubig na maiinom nila.

Ini-operate ng isang pribadong kumpanya ang Wacuman na nabigyan ng environmental compliance certificate (ECC) ng Department of Environment and Natural Resources kahit na kabi-kabila ang protesta laban dito.

Tinatayang mga 100 tonelada kada araw na basura mula sa mga bayan ng Marilao, San Miguel, Sta. Maria at Meycauayan sa Bulacan at ilang siyudad ng Metro Manila ang itinatapon sa naturang landfill.

“Nakikiusap kami kay Mayor Duterte na utusan ang DENR na imbestigahan kung gaano na katindi ang environmental damage galing sa landfill at ipasara na itong tuluyan,” ayon kay Lorenzo.

vuukle comment

MINING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with