^

Police Metro

4-K residente ng Quezon City may ayuda mula CFW

Angie dela Cruz - Pang-masa
4-K residente ng Quezon City may ayuda mula CFW
Katuwang ng lokal na pamahalaan sa progra­mang ito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Climate Change Commission (CCC).
FIle

MANILA, Philippines — Nasa 4,000 residente ng Quezon City ang tatanggap ng benepisyo mula sa cash-for-work program ng lunsod.

Katuwang ng lokal na pamahalaan sa progra­mang ito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Climate Change Commission (CCC).

“We would like to thank the DSWD under Secretary Virginia Orogo, the Climate Change Commission, for making this happen in Quezon City. Through their assistance, cash-for-work beneficiaries can participate in work that gives them extra income and also helps the city,” mensahe ni QC Vice Mayor Joy Belmonte sa dinaluhang pulong para rito.

Sa pamumuno ng Social Services Development Department (SSDD) ng QC, pumili ang lokal na pamahalaan ng mga benepisyaryong may edad 18 taong gulang pataas para sa nasabing programa. Kabilang sa mga napili ay mga residenteng apektado ng Typhoon Ompong at iba pang mga kalamidad.

Aniya, ang mga bene­pisyaryo ng CFW ay hindi lamang makatatanggap ng tulong pero ang mga ito ay makatutulong din sa rehabilitasyon at preparas­yon sa mga parating pang kalamidad.

Ang basic rate ng CFW ay P384 bawat araw, o 75 percent ng kasalukuyang daily rate sa rehiyon. Hindi lalampas ng 10 araw ang mga programa ng CFW.

Ayon sa DSWD, ang programa ay sinimulan upang magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga nasalanta ng bagyo at iba pang kalamidad upang may pondong magagamit sa kani-kanilang pamilya.

vuukle comment

MONEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with