^

Police Metro

Recruiters sa Red October aarestuhin

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang arestuhin ng tropa ng Philippine Army ang sinumang magtatangka na mag-recruit para sa Red October o ang planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kapangyarihan ng umano’y nagsa­sabwatang grupo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), grupo ng oposisyon, ilang lider ng simbahan at iba pa.

Ito ang naging banta kahapon ni Lt. Col.  Louie Villanueva, Spokesman ng Philippine Army bilang reaksyon sa nabulgar  na may mga aktibong sundalo na umanong nagre-recruit ng mga destabilizers.

Una nang ibinulgar ni Brig. Gen. Antonio Parlade, Deputy Chief for Operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Red October kung saan nakikipagsabwatan sa CPP-NPA ang oposisyon na kinabibilangan ng Liberal Party, Magdalo Group, Tindig Pilipinas ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III, Movement Against Tyranny at iba pa.

Inihayag ni Villanueva na wala silang namomonitor na nagre-recruit sa 93,000 malakas na puwersa ng Phi­lippine Army at mabibigo ang sinumang magtatangka dahilan mataas ang kanilang moral at tapat sila sa Kons­titusyon at sa taumbayan.

Tiniyak naman ni AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo na isang propesyunal na organisasyon ang kanilang hanay at handa silang ipagtanggol ang Konstitusyon.

vuukle comment

PHILIPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with