^

Police Metro

Senator Villar, basahin mo ‘to!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

BUMILI ng lupa’t bahay si Innie Williams sa Camella Development and Household Development (CDHD) na pag-aari ni dating Sen. Manny Villar para paghandaan ang retirement niya. Bilang down payment, nagbayad si Williams ng P20,000 noong Marso 17 at bilang patunay may resibo siyang #50731 para dito. Nagbayad uli si Williams ng P10,000 at inisyuhan naman siya ng resibong #50748. Ang tumanggap ng bayad ni Williams ay ang agent na si Karen Vista, ayon sa kanyang sister na inisyuhan niya ng Special Power of Attorney (SPA) para makipag-transaction sa realty firm ni Villar. Siyempre, masaya na sana si Williams dahil nakapagsimula na siyang magprepara para sa retirement niya. Subalit kung natuwa man si Williams sa mga unang araw ng pakipag-transaction niya sa kompanya ni Villar, nauwi ito sa kalungkutan dahil sa hindi pala siya puwedeng magkaroon ng house model sa Block 20, Lot 52 sa Camella Cielo sa Bgy. Igay, San Jose del Monte, Bulacan dahil US citizen siya. Dito na pumasok ang problema ni Williams na naging sanhi ng mahabang kalungkutan niya. Bakit? Hak hak hak! Kasi nga mga kosa, nais ni Williams na mai-refund ang P30,000 niya subalit pinaiikot lang siya ng kompanya ni Villar at hanggang sa ngayon, wala pang linaw kung mababawi ang perang pinaghirapan niya. Hehehe! Baka mabayaran din si Williams ni Villar sa pagputi ng uwak, di ba mga kosa?

Matapos niyang magbayad ng P30,000 sa kompanya ni Villar, saka nalaman ni Williams na hindi pala siya puwedeng bumili ng lupa’t bahay sa Pinas dahil US citizen siya. Ayon kay Williams, hindi na-explain sa kanya ang ganitong sistema, ni Vista at broker na si Marilou Jose. Para matuloy ang transaction nila sa CDHD, ang suhestiyon sa kanya ni Jose ay mag-take oath siyang muli sa Philippine Embassy at maging Pilipinong muli at i-renounce niya ang pagka-US citizen niya. Araguuuuyyyyy! Ano ako “gaga”? Ang tahasang tanong ni Williams. “Dahil lang sa maliit na lupa eh igi-give up ko ang mga benepisyo bilang US citizen?” dagdag tanong pa niya. Uu nga ba naman! Matagal na pinaghirapan ni Williams na makamtan ang pagiging US citizen niya at biglang isantabi lang ang mahabang panahon na hinintay? Ano bali? Dahil naghinayang din sa perang pinaghirapan niya, sumulat si Williams kay Villar noong Hunyo pa subalit mukhang inisnab lang ito at hanggang sa ngayon ay wala pa siyang natanggap na kasagutan. Hak hak hak! Baka naman na-intercept ang sulat ni Williams kay Villar dahil sa konting halaga na P30,000 ay hindi pagkainteresan nito ng huli, na tinaguriang No. 2 na pinakamayamang Pinoy sa bansa. Get’s n’yo mga kosa?

Sa ngayon, pabalik-balik ang sister ni Williams na si Sharlyn Martin mula Abril pa sa opisina ng CDHD para kunin ang refund ng kapatid. Subalit as usual, puro pangako ang natanggap niya at kasama na roon ang sinabi ni Jose na niri-ready na ang tseke nila. Siyempre tuwing pupunta si Sharlyn sa opisina ng CDHD, nasasayang hindi lang ang oras n’ya kundi pati ang gasolina, na sobrang mahal na sa ngayon. Aragguuuuyyyyy! “Dini-delay nila ang sister ko baka nga naman napag nag-give up ako eh pababayaan ko na lang sa kanilang yung P30,000 ko,” ani Williams. Hak hak hak! Sayang din ang pera at maaring gamitin ni Sharlyn sa sari-sari store business n’ya, ayon pa kay Williams.

Tahasang sinabi ni Williams na kung siya ay nabiktima nitong kompanya ni Villar, aba hindi nalalayo na may nabiktima rin silang iba pang OFW na nagsasawalangkibo na lang. Puwede, di ba mga kosa? Subalit kung hindi papansinin ito ni Villar, aba baka maapektuhan ang tsansa ng asawang si Sen. Cynthia Villar sa darating na May elections. Si Senator Villar mga kosa ay nasa top 5 na mananalo ayon sa latest False...este Pulse Asia survey at baka umatras siya kapag nalaman ng sambayanan itong pang-aapi ng kompanya nila kay Williams, di ba mga kosa? Hak hak hak! Antayin natin ang kasagutan ng kompanya ng mga Villar dito sa reklamo ni Williams. Abangan!

vuukle comment

MANNY VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with