^

Police Metro

12 patay sa Cebu landslide

Joy Cantos - Pang-masa
12 patay sa Cebu landslide
Sa ulat ni Chief Inspector Roderick Gonzales, acting Chief of Police ng Naga City Police dakong alas-6:00 ng umaga nang mangyari ang trahedya ng landslide sa mga kabahayan na malapit sa isang quarry site sa lugar.
Aldo Banaynal and Rowena Capistrano via The Freeman

MANILA, Philippines — Labindalawang katao ang nasawi matapos gumuho ang isang bahagi ng bundok na tumabon at naglibing sa mahigit 30 kabahayan naganap kahapon ng umaga sa Sitio Sindulan sa pagitan ng Brgy. Tinaan at Brgy. Naalad, Naga City, Cebu.

Sa 12 namatay ay apat pa lang ang nakilala na sina Beatrice Hope Chavez, 4;Olivia Mora, 63; Abel Lobiano, 40; at Romeo Jabolinila, 40.

Sa ulat ni Chief Inspector Roderick Gonzales, acting Chief of  Police ng Naga City Police dakong alas-6:00 ng umaga nang mangyari ang trahedya ng landslide sa  mga kabahayan na malapit sa isang quarry site sa lugar.

Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga otoridad sa mga miyembro ng pamilya na nasa loob ng kanilang bahay nang matabunan ng mga bato at lupa na nasa 100 katao.

Nabatid na bago ang insidente ay ilang araw nang nakakaranas ng malalakas na pag-ulan sa lugar kung saan ang bahagi ng bundok sa Sitio Sindulan, Brgy. Tina-an, Naga City ang tumabon sa nasabing mga kabahayan.

Sinabi ni Gonzales na hindi pa sila nawawalan ng pag-asa na may mare­rekober na buhay matapos na bandang alas-11:00 ng umaga kahapon ay makapag-text pa ang isang pamilya na may anim na miyembro na buhay pa sila.

Related video:

vuukle comment

CEBU

LANDSLIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with