^

Police Metro

Ex-chairman sa Maynila inutas sa harap ng anak

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Ex-chairman sa Maynila inutas sa harap ng anak
Batay sa ulat, dakong alas-2:15 ng mada­ling araw ay natutulog si Buan, kasama ang kanyang mga anak ng pasukin sila ng dalawang lalaki na pawang naka-helmet.
File

MANILA, Philippines — Pinasok at pinagbabaril sa loob ng kanyang bahay ang isang dating barangay chairman sa Maynila sa harap ng kanyang anak kahapon ng madaling araw sa Pandacan, Maynila.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Buanito Buan, 57, biyudo, ng Ilang-Ilang St., Pandacan at dating chairman ng Brgy. 849.

Batay sa ulat, dakong alas-2:15 ng mada­ling araw ay natutulog si Buan, kasama ang kanyang mga anak ng pasukin sila ng dalawang lalaki na pawang naka-helmet.

Isa sa mga suspek na may hawak ng flashlight ay hinawi ang anak ni Buan na si Najhila Eylie bago siya pinagbabaril na agad nitong ikinamatay.

Nakita sa CCTV foo­tages ang pagdating ng limang lalaki at tinanong kung saan ang bahay ng biktima bago ito pinasok ng dalawa at nang makita ang target ay pinagbabaril.

Ayon sa anak ng biktima na gumagamit ng iligal na droga ang ama matapos na hikayatin ng dati niyang kinakasama.Tatlong basyo ng kalibre 45 baril ang narekober sa silid ng biktima.

vuukle comment

BUANITO BUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with