^

Police Metro

6,000 ARMM employees mawawalan ng trabaho

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakda umanong mawalan ng trabaho ang mahigit 6,000 kawani ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa sandaling ipa­tupad na ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ito ang ibinunyag ni ARMM Governor Mujiv Hataman sa pagdinig kahapon ng Senate Committee on Finance tungkol sa budget ng ARMM nang tanungin ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang magiging kapalaran ng mga empleyado ng ARMM sa sandaling malusaw na ito at mapalitan ng Bangsa­moro Autonomous Region (BAR).

Sinabi ni Hataman na hindi pa malinaw kung ano ang posibleng mangyari sa mahigit nilang 6,000 na empleyado dahil wala pang malinaw base sa batas.

Nang tanungin ni Lacson kung saan pupunta ang nasabing mga empleyado ay sinabi ni Hataman na kung tatanggapin ang separation pay ng mga ito ay hindi sila maaring mag aplay sa loob ng limang taon. Pero kung hindi naman umano sila tatanggap ng bayad ay maaaring mag-aplay sa ilalim ng  BAR.

Nilinaw din ni Hataman na hindi nakapaloob sa kanilang pondo nga­yong taon ang pambayad sa mga matatanggal na mga empleyado at hindi rin malinaw kung isinama ito sa 2019 panukalang budget.

Lumabas din sa pagdinig na walang utang na maiiwan ang ARMM sa sandaling mapalitan na ito ng BAR at mayroon pa silang assets na maiiwan na mahigit sa P1 bilyon.

Iniulat din ni Hataman na umabot sa 32,525 na benepisyary ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang nalinis nila sa listahan sa buong ARMM kaya nakatipid ang gobyerno na aabot sa P600 milyon.

Bukod sa ginawang pag­lilinis sa mga benepisyaryo ng 4Ps, nawala na rin umano sa ARMM ang mga ghost students at ghost teachers na dati ay ginagastusan ng malaki ng gobyerno.

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with