^

Police Metro

Palparan, 2 pa kulong ng habambuhay

Rudy Andal, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Palparan, 2 pa kulong ng habambuhay
Si Palparan kasama sina Lt. Col. Felipe ­Anotado at Staff Sgt. Edgardo Osorio ay hinatulan ng habambuhay na pag­kabilanggo dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa pagkawala nina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pagkatapos ng 12 taon ay hinatulan ng habambuhay ng korte si retired General Jovito Palparan at dalawa pa kaugnay nang pagkawala ng dalawang UP students noong 2006.

Si Palparan kasama sina Lt. Col. Felipe ­Anotado at Staff Sgt. Edgardo Osorio ay hinatulan ng habambuhay na pag­kabilanggo dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa pagkawala nina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan.

Bukod dito ay inatasan ng korte ang tatlong akusado na magbayad ng tig-P100,000 civil indemnity at P200,000 para sa moral damages.

Sinimulang dinggin noong Hulyo 2011 ang kaso laban kay Palparan na noong panahong iyun ay nagtatago pa sa batas at nakulong lamang ito nang mahuli noong 2014 sa Sta. Mesa Maynila.

Napuno ng emos­yon ang sala ni Judge ­Alexander Tamayo ng Malolos Regional Trial Court Branch 15 matapos niyang hatulan ng guilty sina Palparan, Anotado at Osorio na kung saan ay makikita sa mga kaanak at taga-suporta ng mga biktima sa nakamit nilang hustisya.

Habang binabasa ang sentensya ay sinigawan pa ni Palparan si Judge Tamayo ng “duwag” na binalaan ng huli na kakasuhan ng contempt na hindi pinansin ng una dahil makukulong naman siya sabay mura.

Agad na ipinag-utos ni Judge Tamayo na ilipat na sa New Bilibid Prison (NBP) sina Palparan mula sa kanilang Custodial Center sa Fort Bonifacio.

vuukle comment

JOVITO PALPARAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with