^

Police Metro

UV Express driver itinumba ng tandem

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang UV Express driver matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

 

Ang nasawi ay kinilalang si Rogelio Obando Jr., 44, at naninirahan sa Little Baguio, Miramonte Heights, Brgy. 180, ng lungsod.

Inilarawan ang dalawang suspek na ang isa ay nakasuot ng gray na jacket na may hood habang nakasuot naman ng t-shirt ang rider ng orange Mio type scooter.

Sa ulat, dakong alas-9:40 ng gabi ay kabababa lang ng biktima sa kanyang van sa may Purificacion F. Dela Peña Avenue sa Miramone Heights nang pagbabarilin ng dalawang suspek.

Nakita ng saksi na lumabas ng van ang dala­wang suspek bago sumakay ng scooter habang ang biktima ay humihingi ng saklolo. Ti­nu­lungan ng dalawang residente ang biktima at isinugod sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital gamit ang ipinapasada niyang van, subalit nalagutan din ito ng hininga.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang limang basyo ng bala mula sa kalibre .45 baril.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with