^

Police Metro

2 katao patay sa shootout

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang dalawang lalaki na sangkot sa droga at panghoholdap matapos na kumasa sa mga pulis na aaresto sa kanila kamakalawa sa Valenzuela City.

Ang mga napatay na suspek ay kinilalang sina Jeffrey Andes, “alyas Kamote”, nasa hustong gulang, at nakatira sa Matiyaga St., Area 4, Brgy. Pinalagad; at John Michael Batalla, alyas “Batotoy”, 28,  ng A. Caco Street, Brgy. Malinta.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-4:10 ng hapon sa tapat ng bahay ni Andes ay nagawang makabili ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ng isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P500.

Nakahalata si Andes na pulis ang ka-transaksyon at nang aarestuhin na ay nagbunot ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis na suwerteng walang tinamaan.
Kaya’t gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ng suspek at napatay.

Samantala, alas-3:00 kahapon ng madaling araw nang mapaslang ng mga pulis si Batalla sa naganap na engkuwentro sa may Industrial Road, Texaco, Brgy. Karuhatan.

Nabatid na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Detective Management Unit sa napaulat na panghoholdap sa lugar nang maispatan ang suspek na pinaglalaruan ang kanyang baril.

Nang lalapitan ng mga pulis ay bigla umano silang pinaputukan na kung saan ay nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa duguang bumulagta si Batalla.

 

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with