Mayor Sara inendorso si Jinggoy
MANILA, Philippines — Sobra ang naging pasasalamat at isa umanong malaking karangalan para kay dating senador Jinggoy Estrada na siya ay inendorso ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa pagtakbo nito sa senado sa 2019.
“I cannot find the words to express my gratitude and appreciation for your endorsement. Daghang salamat Mayora Inday Sara! Mabuhay po kayo!!!” nakasaad sa Facebook account ni Estrada.
Ayon kay Estrada, mismong si Mayor Sara ang tumawag at nagpapunta sa kanya sa Davao upang dumalo sa Mandaue City’s 48th Charter Day celebration at hindi nito sukat akalain na ieendorso siya nito sa kanyang mga kababayan sa Davao.
“I won’t be running for senator in the 2019 election, but I’m asking you to support former Sen. Jinggoy Estrada, Gov. Imee Marcos, and my former enemy but now friend Congressman Karlo Nograles,” ayon naman sa talumpati ni Mayor Sara.
Binanggit din ni Mayor Sara na hindi matatawaran ang galing ni Estrada sa paggawa ng batas para sa nakararaming Pinoy.
- Latest